Hindi lang si BLACKPINK Jennie, kundi maging si Lisa Manoban ay up-close ding na-meet ng Careless artists na sina Liza Soberano at Destiny Rogers.

Ito ang iflinex ng Careless PH sa kanilang Instagram post, Lunes, kasunod ng Born Pink World Tour sa Banc of California Stadium sa Los Angeles noong Nob, 19.

Sa larawan, makikita pang nakaakbay ang global star sa dalawang artist ng record label ni James Reid.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Basahin: Pinakyaw na! Kapwa celebs, napa-wow, naiyak sa larawan ni Liza kasama si BLACKPINK Jennie – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Nauna nang napa-sana all ng Pinay celebrity ang kapwa stars matapos din iflex ang larawan kasama si Jennie, Linggo.

Hindi namang mapigilang maging proud ni James at ibinahagi rin ang mga larawan sa kaniyang Instagram story.

James Reid Instagram story

“Queens,” mababasa sa IG story ng singer-songwriter at music producer.

Sa pag-uulat, ang naturang larawan ay umani na ng nasa mahigit 47,000 likes.