Iniulat ng Department of Migrant Workers (DMW) na naiuwi na sa bansa noong Lunes ng umaga, Abril 27, ang anim na labi ng mga nasawing Overseas Filipino Workers (OFW) sa bansang Kuwait.
Base sa ulat ng DMW, “natural causes” ang dahilan ng pagkamatay ng mga nabanggit na OFW.
Nasa bansa na rin ang labi ng isang batang lalaki na may edad 5-anyos matapos masawi sa isang aksidente sa naturang bansa.
Ibinahagi naman ng mga opisyal ng DMW at Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) na sila ay nakipagdayalogo na sa pamilya ng mga OFW—at nagbigay na rin ng transportation, funeral, at financial assistance para sa mga naulila ng mga ito.