Nakiusap na makapagpa-picture si Megastar Sharon Cuneta kay Eat Bulaga mainstay Ryzza Mae Dizon sa debut ng anak ni Yohan Agoncillo nitong Sabado.

Ito ang ibinahaging cute na tagpo ng batikang aktres sa kaniyang Instagram, Linggo, kalakip ang mga larawan kasama ang dating child star.

Sa tatlong IG snaps, all-smile ang icon kasama si Ryzza.

“Nung may show pa siya sa GMA7, fan na fan niya ako at naghihintay akong i-guest niya ako dahil nahihiya ako magpresinta! Nahiya daw siya kasi,” pagtukoy ni Shawie sa defunct na show ni Ryzza na “The Ryzza Mae Dizon Show.”

Vic Sotto, nasaktan sa ginawa ng TAPE sa Eat Bulaga

Pag-amin ng aktres, araw-araw umanong pinanunod niya ang show ng ngayo’y dalagita na noong siya’y nasa Amerika pa.

“Kaya nung nameet ko siya for the first time last night, nakiusap talaga ako magpapicture!!” anang aktres.

Pinusuan ng followers ni Shawie ang cute na encounter ng dalawa.

Sa pag-uulat, umabot na sa mahigit 9,000 likes ang naturang IG post.