Nanawagan sa Department of Agriculture (DA) ang grupong Samahang Industriya ng Agrikultura (SINAG) na bantayan ang presyo ng karneng baboy at manok sa merkado, lalo na ngayong Kapaskuhan.

Paliwanag ni SINAG chairman Rosendo So sa isang television interview nitong Sabado, mataas ang presyo ng karne sa mga pamilihan kung ikukumpara ang farm gate price ng mga ito.

'"Yung presyo ng farmgate price so far 'yung manok for example, nasa₱108 hanggang₱110 so kung dapat ang retail price nasa₱165. Pero nakikita natin sa mga palengke,₱185," pagbibigay-diin ni So.

"Hindi mo mapababa ang retail pero ang farmgate bumababa. 'Yan ang sinasabi nating dapat tutukan ng DA para at least hindimasayang. Hindi mag-ta-translate angfarmgatepriceng baboy nasa₱170 to₱180. Sa retail dapat₱280 pero umaabot na ng₱300," ani So.

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar

Umapela rin ito sa ahensya na gumawa ng kaukulang hakbang upang mapababa ang presyo ng mga nasabing karne para na rin sa kapakanan ng mga mamimili.