Dinampot ng mga ahente ng Bureau of Immigration (BI) ang apat na dayuhan na sangkot sa iba't ibang kaso, sa ikinasang magkahiwalay na operasyon sa Pasay City at Oriental Mindoro kamakailan.

Sa report ng fugitive search unit (FSU) ng BI, unang inaresto sina Ko Chang Hwan, 52, sa Balagtas St., Pasay City nitong Oktubre 25, dahil sa kinakaharap na drug case sa Suwon district court sa Ansan, South Korea.

Dinakma rin sa kanyang bahay siMin Seokchul, 44,na natuklasang overstaying na sa bansa.

Sa ikalawang operasyon, hinuli rin sinaLu Changyong, 48, at Lu Changxin, 46, sa isang beach resort sa Puerto Galera nitong Nobyembre 2, sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ng public security bureau sa Jilin, China, kaugnay sa kinakaharap nilang large-scale fraud case.

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar

Pansamantala munang nasa kustodiya ng Immigration detention facility saCamp Bagong Diwa, Taguig City ang apat dayuhan hangga't hindi pa sila ipinatatapon sa kani-kanilang bansa.

PNA