Nasa₱1.3 milyong halaga ng pinaghihinalaang illegal drugs ang nahuli sa isang supplier sa ikinasang anti-drug operation sa Bacoor City, Cavite nitong Huwebes ng gabi.

Hindi muna isinapubliko ng Cavite Police Provincial Office (CPPO) ang pagkakakilanlan ng suspek upang hindi mabulilyaso ang isinasagawa pang follow-up operations laban sa iba pang kasabwat ng sindikato.

Sa report ng CPPO, naaresto ang suspek sa Badjao St., Barangay Molino VII, Bacoor City, nitong Huwebes dakong 8:30 ng gabi.

Mahigit sa 200 gramo ng umano'y shabu na nagkakahalaga ng ₱1,360,000ang nasamsam sa suspek.

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar

Sinabi ng pulisya, bukod sa Cavite, nag-o-operate rin umano ang suspek sa Las Pinas, Parañaque, Muntinlupa at sa iba pang karatig-lugar.

Bukod dito, nasamsam din sa suspek ang marked money at isang motorsiklo na ginagamit umano nito sa operasyon.

Under custody na ng pulisya ang suspek na nahaharap sa kasong paglabag saComprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.