ANTIQUE - Walo na ang naitalang nasawi sa tatlong lugar sa lalawigan dahil na rin sa mga kaso ng acute gastroenteritis (AGE).

Sa datos ng Integrated Provincial Health Office (IPHO), nakapagtala na rin sila ng 362 na kaso ng AGE sa Hamtic, Valderrama at San Remigio.

Sa naturang bilang, tig-tatlo ang binawian ng buhay sa Hamtic at Valderrama at dalawa naman sa San Remigio, ayon kay IPHO information officer Irene Dulduco.

Namatay aniya ang mga ito matapos uminom ng tubig na nagtataglay ng E. coli bacteria.

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar

Aniya, nagsimula ang kaso ilang linggo matapos tumama sa probinsya ang bagyong Paeng kamakailan.

“During our water sampling, the water source of the residents were found to be positive of E. coli bacteria that caused the acute gastroenteritis,” sabi pa nito.

Dahil dito, nanawagan si Dulduco sa mga residente na uminom na lang muna ng mineral water upang makaiwas sa paglaganap ng kaso.