Aayusin muna ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang trapiko sa Metro Manila bago humuli ng mga lalabag sa batas-trapiko ngayong Christmas season.

Ito ang tiniyak ni MMDA acting chairman Don Artes at sinabing paiigtingin ng mga tauhan nito ang kanilang operasyon upang maibsan ang matinding trapiko sa mga pangunahing lansangan sa National Capital Region (NCR).

Naghigpit na rin si Artes nia iutos nito sa mga traffic enforcer na huwag na munang gumamit ng cellular phone habang nasa duty upang maging epektibo ang kanilang trabaho.

"Our primary duty and priority is to manage traffic first before apprehending erring motorists. We don’t allow the practice of waiting for motorists to violate traffic rules before flagging them down," sabi ng opisyal sa panayam sa telebisyon nitong Miyerkules.

Metro

Iskedyul para sa Undas, maagang inilabas ng Manila North Cemetery

Inatasan na rin nito ang mga kontraktor na takpan ng steel plate ang mga excavation upang madaanan ng mga motorista. 

Kamakailan, sinuspindi ng pamahalaan ang mga road repair sa Metro Manila dahil sa inaasahang pagdagsa ng publiko ngayong Kapaskuhan.