Kasama ang pamilya, ipinagdiwang ni “Fearless Diva” Jona Viray ang kaniyang ika-33 kaarawan nitong Martes, Nob. 15.

Sa kaniyang Instagram update ngayong Miyerkules, nagpasalamat ang singer sa kaniyang pamilya at fans na nagpaabot ng espesyal na pagbati.

“"33 and I'm feeling free -- free to just be me . . ."☺️🎂🎈” mababasa sa caption ni Jona sa kaniyang Instagram post.

“Good morning!! Thank you Lord Jesus for giving me another chance to celebrate new beginnings. My wish and prayer is your will and purpose be fulfilled in my life🥰❤️” ani Jona.

Teleserye

Buong produksiyon ng 'Batang Quiapo,' pina-drug test ni Coco

Sa isang intimate dinner kasama ang pamilya at kaniyang manager idinaan ng singer ang pagdiriwang sa espesyal na araw.

Ilang fans din ang nagpaabot sa singer ng surprise gift box na na-appreciate at special mention din ni Jona.

Nagpaabot din ng pagbati sa naturang post ang mga malalapit na kaibigan at katrabaho kagaya nina Zsaza Padilla, Lara Maigue, at Christine Babao.

Samantala, sa ngayon, inaabangan muli ng fans ni Jona ang kaniyang pagbabalik sa ASAP Natin ‘To.

Kasalukuyang abala ang singer sa programang “Sing Galing” na mapapanuod sa TV 5.