Matapos ang kaniyang matagumpay na finish sa New York City Marathon kamakailan, may sunod na target na agad si Pia Wurtzbach para sa kaniyang tuloy-tuloy na running lifestyle sa 2023.

Sa isang Instagram update nitong Linggo, ibinahagi ng Pinay Miss Universe ang kaniyang sunod na goal -- ang London Marathon sa darating na Abril 2023.

Basahin: ‘A life lesson’: Pia Wurtzbach, proud na iflinex ang kaniyang NYC Marathon finish – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

“Discovering the world of running has opened my eyes to a new & bigger world where I met new people and it felt so good to be exposed to that. You need that: to expand your world cos you can’t get stuck in your own bubble and comfort zone,” pagbabalik-tanaw ni Pia sa matagumpay na pagsabak sa NYC Marathon kamakailan.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

“In this marathon, I was with completely different people that had one common goal: to finish strong. I rediscovered a life that is much more than the four corners of a studio, the title you win from a pageant, or the number of likes on a post. Outside, real life is waiting for you and you just need to step out and take the first step. Totoo ‘yun,” pagpapatuloy ni Pia.

Kalakip ng mga napagtanto ni Pia ang isang Instagram reel tampok ang naging madugong paghahanda niya sa pagtakbo mula pa noong Pebrero 2022.

Anang beauty queen-actress, sa ngayon ay magpapatuloy aniya siyang magsanay para maging mas mabilis at mas malakas sa susunod na running trail.

Ilang beauty queens naman at celebrities ang proud sa naabot ni Pia sa panibagong personal venture nito.

“Love this journey!!” komento ng kapwa Pinay Miss Universe na si Catriona Gray.

“So inspiring! 🙌🙌🙌” saad ni Bianca Gonzales.

Sa huli, nagpahayag naman ng pagkahanda si Pia para sa susunod na yugto ng kaniyang training.