Inalmahan na ng isang agricultural group ang mataas na presyo ng sibuyas sa bansa.

Sinabi ni Philippine Chamber for Agriculture and Food, Inc. (PCAFI) president Danilo Fausto, hindi dapat lumagpas sa ₱100 kada kilo ang retail price ng sibuyas sa palengke dahil mababa naman umano ang alok na presyo ng mga magsasaka.

"Hindi normal 'yan, sinasabayan na lang 'yan, nakikisabay na lang ibang traders diyan. Traders talaga take advantage of it, dahil everything is high, kaya sasabay sila," ayon kay Fausto. 

Mungkahi nito sa Department of Agriculture (DA), dapat mas higpitan ang ipinatutupad na suggested retail price (SRP) nito.

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar

Kamakailan, inilabas ng DA ang SRP nito na ₱170 kada kilo.

Gayunman, hindi ito nasusunod dahil mas mataas ang kuha ng mga tindera sa mga supplier ng sibuyas.

Sa kasalukuyan, nasa ₱240 hanggang ₱260 na ang bawat kilo ng sibuyas sa merkado.