LEMERY, Batangas -- Patay ang dalawang fishpond worker matapos makuryente ang mga ito habang naglilinis ng fishpond sa Brgy. Nonong Casto ng bayang ito, noong Lunes ng hapon, Nobyembre 7.

Kinilala ng Lemery Municipal Police Station ang mga biktima na sina Mark Anthony Bethel, 22, residente ng nasabing barangay at Renante Batchar, 41, at tubong Brgy. Talotoan, Concepcion, Iloilo.

Base sa imbestigasyon, naglilinis ng fishpond ang dalawang biktima nang matapakan ang live wire ng submersible pump. Agad namang dinala sa ospital ang mga biktima sa Batangas Provincial Hospital ngunit idineklara silang dead on arrival.

Gayunman, nagsasagawa pa rin ng imbestigasyon ang pulisya.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog