Isa ang nasawi at 11 ang naiulat na nasugatan matapos bombahin ang isang pampasaherong bus sa Sultan Kudarat nitong Linggo ng umaga.

Hindi pa isinasapubliko ng militar ang pagkakakilanlan ng namatay sa insidente.

Sa pahayag ni 6th Infantry Division commander, Maj. Gen. Roly Galido, patungo na sana ng Koronadal City ang bus ng Yellow Bus Line (YBL) company galing Kidapawan, North Cotabato nang bigla itong sumabog sa Barangay Isabela, Tacurong City.

Sinabi naman ni 6th ID spokesperson Col. Dennis Almorato, isang pasahero ang agad na binawian ng buhay sa insidente.

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar

Isinugod naman sa St. Louis Hospital ang 11 pang nasugatan.

“Most likely, [the IED exploded] while [the bus was] traversing because the start point is in M’lang. If they are going to Marbel (or Koronadal City), probably they will have a stopover in Tacurong,” ayon kay Galido.

Nakikipagtulunganna aniya sila sa pulisya upang matukoy ang nasa likod ng insidente.

“The YBL has been constantly receiving extortion messages ever since and we have been working with them. Hindi lang matiyempuhan kaya siguro nag-counteract,” sabi pa ng naturang opisyal.

Martin Sadongdong