Winasak ng hindi pa nakikilalang magnanakaw ang bintana ng isang simbahan sa Laguna bago tangayin ang aabot sa₱50,000 donasyon nitong Sabado ng umaga.

Sa pahayag ng pamunuan ngDiocesan Shrine and Parish of Our Lady of Guadalupe sa Barangay Poblacion Uno, Pagsanjan, dakong 6:30 ng umaga nang matuklasan ang insidente.

Sinabi ng pulisya, umakyat sa pader ang magnanakaw at sinira ang bintana ng simbahan hanggang sa tuluyan nang nakapasok.

Sinira ng magnanakaw ang tabernakulo at kinuha ang Sacred Host.

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar

Winasak din ang pinto ng parochial office at hinalungkat ang mga gamit bago tangayin ang isang cellphone, at donation box na naglalaman ng mahigit₱50,000.

Dahil dito, ipinagpaliban muna ng simbahan ang misa nitong Linggo.

Patuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad sa kaso.