Lumipad pa na pa-Uganda si Herlene Budol para sa kaniyang Miss Planet International bid.

Kasama ang kaniyang manager na si Wilbert Tolentino at founder ng Kagandahang Flores na si Rodin Gilbert Flores, all-smile ang beauty queen sa kaniyang pre-departure photos nitong Huwebes.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Sa isang Facebook post, nagpasalamat naman si Wilbert sa Ethiopian Airlines matapos i-upgrade nito sa business class ang kanilang seats.

Paghirit pa ng manager, “soon to be the face of Ethiopian Airlines for Herlene Budol.”

Hindi naman nakumpirma kung isang goal lang ito ng manager o hinihintay na lang ang opisyal na pag-launch sa beauty queen.

Ang Ethiopian Airlines ang national airline na pagmamay-ari ng Ethiopian government. Ito ay kasalukuyang isa sa pinakamalaking airline companies sa buong kontinente ng Africa.

Samantala, sa isang Instagram post, umaasa naman ang beauty queen na papasok siya sa semifinalist ng kompetisyon.

Sa Nobyembre 19 gaganapin ang Miss Planet International.