Sapat pa ang suplay ng bigas sa bansa sa kabila ng matinding pinsalang iniwan ng bagyong Paeng.

Sa pahayag ni Department of Agriculture(DA) Assistant Secretary Kristine Evangelista, nasa 2.59 milyong metriko tonelada ang projected rice inventory level para sa huling tatlong buwan ng 2022.

Aniya, sapat na ito para magamit ng bansa sa loob ng 70 araw.

"With a damage of 95,694 metric tons, of course, it will affect the supply. But as far as sufficiency is concerned, we are still very sufficient," paliwanag ni Evangelista.

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar

Sa kabila nito, tiniyak ni Evangelista na hindi na aangkat ng bigas ang bansa ngayong taon.

Sinabi ng opisyal, tumaas sa 12.67 milyong metriko tonelada ang palay production sa bansa ngayong 2022.

"We are greatly improving as far production is concerned. We've seen our consumers preferring local rice as well," aniya.

Dahil aniya sa pinsala ng bagyong Paeng, nakatakdang mamahagi ng binhi ang DA sa mga magsasaka.

Sa datos ng ahensya, aabot na sa₱2.74bilyonang napinsala sa sektor ng agrikultura dulot ng bagyo.