Nagbabala ang pamunuan ng North Luzon Expressway (NLEX) sa inaasahang matinding trapiko sa nasabing  kalsada ngayong Miyerkules dahil sa pagdagsa ng mga biyaherong pabalik ng Metro Manila.

Sa pahayag ng NLEX management, posibleng magkaroon ng 10-percent increase sa traffic volumesa naturang lugar.

Sa pagtaya nito, aabot sa 278,000 na sasakyan ang inaasahang gagamit ng NLEX ngayong Araw ng mga Kaluluwa.

Pinayuhan ng NLEX ang mga motorista na bumiyahe sa off-peak hours upang hindi maipit sa trapiko.

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar

Sa kabila nito, tuloy pa rin ang alok ng NLEX na librengtowing service para sa mga Class 1 na sasakyan.

Nag-deploy pa ng karagdagang traffic marshalls, toll lane personnel, at patrol crew members ang pamunuan ng NLEX sa nabanggit na lugar.