Bigo pa rin ang Philippine National Railways (PNR) na maibalik sa normal ang kanilang operasyon bunsod na rin ng mga pagbaha at pinsalang dulot ng bagyong Paeng nitong Sabado.

Sa abiso ng PNR, magpapatupad na lamang sila ng special trips sa mga lugar na ligtas nang daanan ng mga tren.

“Paunawa: Mayroong special trips ang Philippine National Railways (PNR) ngayong araw, ika-31 ng Oktubre 2022, sa mga lugar na ligtas nang dumaan ang mga tren,” sabi ng PNR.

Narito ang inilabas na special trips ng PNR:

Probinsya

Centennial bust ni NA F. Sionil Jose, inilantad sa publiko

1. Tutuban To Alabang - 5:36 AM; 6:36 AM; 8:06 AM; 9:06 AM; 10:06 AM

2. Alabang To Tutuban - 7:12 AM; 8:02 AM; 9:42 AM 10:32 AM; 11:32 AM

3. Binañ To Tutuban - 5:25 AM

4. Tutuban To Gov. Pascual - 4:11 AM

5. Gov. Pascual To Tutuban - 9:52 PM

6. Gov. Pascual To Bicutan - 4:32 AM; 7:12 AM

7. Bicutan To Gov. Pascual - 5:50 AM; 8:40 AM

8. Naga To Libmanan - 5:20 AM; 10:40 AM

9. Libmanan To Naga - 7:04 AM

Kaagad namang humingi ng paumanhin ang PNR sa publiko at tiniyak na maisaayos na ang lahat at mapanumbalik ang serbisyo sa lahat ng kanilang ruta at istasyon.

Sa isa pang abiso, sinabi ng PNR na nagsasagawa na ng malawakang pagkukumpuni ng mga riles at tulay ng PNR mula Biñan hanggang Calamba, San Pablo papuntang Lucena, at Libmanan hanggang Sipocot sa Camarines Sur ngayong Lunes.

Ang mga naturang pasilidad aykabilang sa nasira at naapektuhan ng bagyong Paeng.