Tinanggalan na ng Department of Education (DepEd) ng 4Ps work o Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) ang mga guro.

Nabatid na hindi na papayagan ng DepEd ang mga guro na magsagawa ng monitoring sa mga estudyanteng tumanggap ng ayuda, sa ilalim ng 4Ps upang mabawasan ang administrative tasks ng mga ito.

Sa isang liham na may petsang Oktubre 20, 2022, inimpormahan ni DepEd Undersecretary at chief of staff Epimaco Densing III si Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Erwin Tulfo hinggil sa desisyon ng departamento.

“[W]e shall no longer allow our teachers to facilitate the monitoring of 4Ps in their respective institutions of learning. This is in line with the Department of Education’s thrust that teachers shall focus on teaching,” nakasaad sa liham.

Metro

Doktor, patay nang tikman umano ang inuming ipinadala ng pasyente

“As such, we intend to advise at the soonest possible time our teachers to turn over these tasks to your personnel,” dagdag pa nito.

Ani Densing, alinsunod sa Republic Act Number 11310 o The 4Ps Act, ang mga personnel ng DepEd ay walang mandato na i-monitor at gumawa ng mga report hinggil sa naturang programa.

Sa ilalim naman ng Section 49 (2) ng Implementing Rules and Regulations ng batas na bilang miyembro ng National Advisory Council (NAC) at Regional Advisory Council, tutulong ang DepEd sa monitoring at pag-evaluate ng operasyon ng programa.

Kabilang na anila dito ang pagtalima ng mga kuwalipikadong household-beneficiaries sa mga kondisyon para sa edukasyon.

Una nang sinabi ng DepEd na gumagawa na sila ng mga hakbang upang mabawasan ang administrative task ng mga guro para mabawasan ang trabaho ng mga ito.