Naglabas ng nagkakaisang pahayag ang ilang dating Senate President kaugnay sa nangyayaring kaguluhan sa Senado.
Sa latest Facebook post ni Sen. Kiko Pangilinan, nanawagan ang mga dating Senate President na sina Koko Pimentel, Franklin Drilon, Miguel Zubiri, at Tito Sotto sa kanilang mga kabaro na resolbahin na gusot sa Mataas na Kapulungan ng Kongreso.
“We urge all members of the chamber to resolve this crisis swiftly, within the bounds of the Constitution, the rules, and long-standing practice,” anang mga dating Senate President.
Dagdag pa nila, “The country cannot afford an unstable Senate at a time of mounting economic pressures, security threats, and growing public distrust in institutions.”
Matatandaang simula nang makabuo ng quorum ang Senate minority bloc noong Hunyo 3 at maihalal bilang Senate President Pro Tempore si Sen. Win Gatchalian ay nahati ang Senado.
Hindi kinilala ng grupo ni Sen. Alan Peter Cayetano ang liderato ni Gatchalian, dahilan para ituloy pa rin ang naunang pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee noong Hunyo 4 sa kabila ng pagkakatalaga kay Sen. Erwin Tulfo bilang bagong chairperson nito.
Maki-Balita: Cayetano, tinawag na ilegal ang kudeta ng minority