June 03, 2026

Home BALITA

Cayetano, tinawag na ilegal ang kudeta ng minority

Cayetano, tinawag na ilegal ang kudeta ng minority
Photo Courtesy: Screenshot fromAlan Peter Cayetano, Risa Hontiveros (FB)

Hindi kinilala ni Senate President Alan Peter Cayetano ang palit-lideratong ginawa ng Senate minority bloc matapos ang pagsipot ni Sen. Chiz Escudero sa Senado, sa plenary session nitong Miyerkules, Hunyo 3..

Sa Facebook Live ni Cayetano nito ring Miyerkules, Hunyo 3, tinawag niyang ilegal ang kudetang ginawa ng mga kasapi ng minorya.

"This is an illegal coup d’état na may kasamang pagbabasura ng ating Konsitusyon. I warned everyone about this from day one," saad ni Cayetano.

Naramdaman na rin umano niyang may isa sa kanila mula sa mayorya ang babaligtad upang lumahok sa kudeta ng minorya.

Pero giit ng Senate President, “Dose pa rin po ngayon, pang-o-onse pa rin po. Dahil sa ating Konstitusyon, sa ating rules of the Senate, kailangan po ay trese. “

National

HS Bojie Dy, binati si acting SP Win Gatchalian

Kaya naman patuloy na pinanindigan ni Cayetano ang posisyon niya bilang pinuno ng Mataas na Kapulungan ng Kongreso.

“I am still the legitimate, legal, moral Senate President of the Republic of the Philippines,” aniya.

Matatandaang dahil sa pagsulpot ni Sen. Chiz sa Senado ay nakapagbuo ng quorum ang Senate minority bloc. 

Naihalal bilang bagong Senate President Pro Tempore si Sen. Win Gatchalian bilang kapalit ni Sen. Loren Legarda habang si Sen. Erwin Tulfo naman ang tatayong chairperson ng Senate Blue Ribbon Committee na nasa pamumuno noon ni Sen. Pia Cayetano.

Kaugnay na Balita: 'I'm still the legitimate, legal, moral Senate President!'—SP Cayetano