Tuluyan nang nabuo bilang bagyo ang namataang low pressure area (LPA) sa karagatang bahagi ng eastern Visayas nitong Miyerkules ng umaga.
Ito na ang ika-16 na bagyong pumasok sa Philippine area of responsibility (PAR) ngayong 2022.
Sa abiso ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), inaasahang makaranas ng matinding pag-ulan sa Visayas at Caraga dulot na rin ng tinatawag na trough o extension ng bagyo at shear line.
Makararanas naman ng ambon hanggang sa katamtamang pag-ulan saQuezon, Bicol region, Northern Mindanao, at Zamboanga Peninsula sa susunod na 24 oras.
"Under these conditions, flooding and rain-induced landslides are likely," babala ng ahensya.
Paliwanag pa ng PAGASA, patuloy pa rin nilang binabantayan ang bagyong inaasahang magtatagal pa ng ilang araw sa bansa.