Isang motorcycle rider ang patay nang pagbabarilin ng 'di kilalang salarin sa Cainta, Rizal nitong Linggo ng madaling araw.

Kaagad na binawian ng buhay ang biktimang nakilala lamang na si Eric Boy del Rosario habang inaalam pa ng mga otoridad ang pagkakakilanlan ng salarin na mabilis na nakatakas matapos ang krimen.

Batay sa ulat ng Cainta Municipal Police Station, dakong alas-12:10 ng madaling araw nang maganap ang krimen sa Felix Avenue, sa Brgy. San Isidro, Cainta.

Lulan umano ang biktima ng kanyang Yamaha motorcycle na may plakang CC 23160 at binabagtas ang naturang lugar patungong Marcos Highway, mula sa Junction Cainta, nang pagsapit sa naturang lugar ay bigla na lang siyang barilin ng salarin na nagresulta sa kanyang agarang pagkamatay.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

Nang matiyak na napuruhan ang target ay mabilis na ring tumakas ang salarin patungo sa direksiyon ng Marcos Highway, bitbit ang baril na ginamit sa krimen.

Masusi nang nagsasagawa ng imbestigasyon ang mga otoridad para sa agarang ikareresolba ng pagpatay.