Inaasahang muling tataas ang jackpot ng SuperLotto 6/49 at UltraLotto 6/58 na bobolahin ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) sa Linggo ng gabi nang hindi mapanalunan ang milyun-milyong papremyo nito kamakailan.

Sa pagtaya ng PCSO nitong Sabado, nasa₱190 milyon na ang jackpot ngSuperLotto 6/49 habang aabot naman sa mahigit₱151 milyong jackpot ang nakalaan sa UltraLotto 6/58, na parehong bobolahin ngayong Linggo.

Ayon sa PCSO, walang nakapag-uwi sa₱179,396,145.60 na jackpot prize ng SuperLotto 6/49 na binola noong Huwebes ng gabi matapos na walang makahula sa six-digit winning combination nito na 33-49-44-19-35-39.

Wala ring nakahula ng six-digit winning combination na 53-06-32-12-21-43 ng UltraLotto 6/58 na binola naman noong Biyernes ng gabi kaya’t hindi rin napanalunan ang katumbas nitong jackpot prize na₱146,528,053.20.

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar

Ang SuperLotto 6/49aybinobolatuwing Martes, Huwebes at Linggo habang ang UltraLotto 6/58 aybinobolanaman tuwing Martes, Biyernes at Linggo.

ReplyForward