Nitong Huwebes, Oktubre 20, ay napabalita ang pag-collapse ng "Carlos P. Romulo Bridge" sa Barangay Wawa, Bayambang, Pangasinan dahil umano sa "overloading", ayon sa ulat ng Department of Public Works and Highways (DPWH) Region 1.

Ayon kay Regional Director Ronnel M. Tan, na batay naman sa ulat ni Pangasinan Fourth District Engineering Office (DEO) District Engineer Simplicio D. Gonzales, parehong overloaded ang dalawang trak na bumabaybay sa naturang tulay nang mangyari ang insidente.

Bukod dito, ang naturang tulay na nasa ibabaw ng Agno River, ay halos ilang dekada na ring nakatalalan dito, na itinayo noong 1945 pa.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/10/21/pagguho-ng-tulay-sa-pangasinan-isinisi-sa-overloading/">https://balita.net.ph/2022/10/21/pagguho-ng-tulay-sa-pangasinan-isinisi-sa-overloading/

Padilla, binara si Castro kontra VP Sara: 'Ipagpaliban muna maduming pulitika!'

Nag-tweet naman ang dating Senate President na si Tito Sotto III tungkol dito.

"Sino Contractor ng Carlos P Romulo bridge sa Wawa Bayambang Pangasinan?"

https://twitter.com/sotto_tito/status/1583355945484095489

Umani naman ito ng iba't ibang reaksyon at komento mula sa mga netizen.

"Kami po ba talaga dapat sumagot nyan? Baka po mas may access kayo sa tamang info Sir."

"Bakit i-blamed agad sa contractor? if meron naman nakalagay na signage kung ilan ang tonnage ang allowed. Dapat govt ang sisihin jan, kasi pinadadan nila ang overload na truck jan."

"Wala sa contractor yan sir, 20 tons lang capacity ng bridge…"

"Everybody is assuming that the bridge was not properly built. A bridge can collapse also due to misuse and abuse, ie, trucks carrying cargo beyond the bridge capacity. Both possible causes and others should be investigated."

Samantala, noong Oktubre 12 ay pinanindigan ni Sotto ang kaniyang claim tungkol sa panukala niya noong iparehistro na ang mga SIM card ng mobile users.

"Dun sa nag comment ng Back to the Future, I was Senate public services comm chair in 1998. Hindi 88."

https://twitter.com/sotto_tito/status/1580040208220753920

Nagkomento rin siya at niretweet ang post ng dating kapwa senador na si Panfilo "Ping" Lacson, Jr.

"Obviously, typo ni Titosen yung 34 years. I did not become a senator until July 2001. Impossible that I could have interpolated him before that year. But I DID interpolate him when he eventually became the principal sponsor of the bill after many years of persistent authorship."

Ani Sotto, "Not really. It was 1998 when I first proposed prepaid registration to NTC. It was years after that I sponsored the bill when we could not get through the TRO."

https://twitter.com/sotto_tito/status/1580117316758433792

Matatandaang pinagtaasan ng kilay ang tweet ng dating Senate President matapos niyang magbigay ng claim na makalipas umano ang 34 taon, ang kaniyang proposal noon na iparehistro ang mga Subscriber Identity Module (SIM) card, sa wakas ay nilagdaan na bilang batas ni Pangulong Bongbong Marcos.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/10/12/dating-senador-tito-sotto-iii-pinagtaasan-ng-kilay-dahil-sa-claim-ukol-sa-sim-card-registration-act/">https://balita.net.ph/2022/10/12/dating-senador-tito-sotto-iii-pinagtaasan-ng-kilay-dahil-sa-claim-ukol-sa-sim-card-registration-act/