Nanawagan si Roy Mabasa, kapatid ng napatay na si broadcaster Percy Lapid o Percival Mabasa, sa gobyerno na dapat panagutin ang mga opisyal ng Bureau of Corrections (BuCor) sa pagkamatay ng umano'y "middleman" sa pamamaslang sa naturang mamamahayag.

“Ang dapat managot dito ay ang BuCor sapagkat nasa kustodiya nila 'yan," reaksyon ni Mabasa nangtanungin sa misteryosong pagkamatay ni Crisanto Palana Villamor, Jr. habang nakakulong sa National Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa nitong Oktubre 18 ng hapon.

Ibinunyag ni Mabasa na sinabi umano ng BuCor sa mga pulis na nag-iimbestiga sa kaso ni Lapid, na wala sa listahan ng mga presong nakakulong sa NBP ang pangalan ni Villamor.

Nang magsagawa aniya ng imbestigasyon ang pulisya sa nasabing maximum security compound ay sinabihan umano sila ng BuCor na wala sa listahan ng mga preso ang pangalan ni Villamor.

National

Clothing store, nag-sorry sa customer na pinaalis dahil sa stroller ng anak na PWD

Si Villamor ang isiwalat ng self-confessed gunman na si Joel Escarion na umano'y "middleman" o nag-utos sa kanila na paslangin si Lapid.

“Ang pagkakaalam ko, nakipag-ugnayan ang mga pulis sa kanila upang tiyakin, tanungin kung may inmate na ganun ang pangalan sa loob ng NBP. Sa aking pakiwari, ang sinagot daw ng BuCor ay wala silang ganung pangalan sa roster ng mga inmates nila,” anito.

Dahil dito aniya, nagpatuloy pa rin sa paghahanap ang mga pulis sa sinasabing "middleman" hanggang sa isapubliko ni Department of Justice (DOJ) Secretary Jesus Crispin Remulla nitong Huwebes na patay na ang nasabing preso.

“Nagulat na lang lahat kami nung kahapon lumabas si Secretary Remulla at sinabi nga na patay na raw 'yang pangalan ng inmate na 'yan,” banggit nito.

Namatay aniya ang "middleman" apat na oras matapos iharap sa publiko si Escarionna umaming siya ang bumaril at pumatay kay Lapid.

Habang isinusulat ang balitang ito, wala pang pahayag siBuCor Deputy Director General Gabriel Chaclaghinggil sa usapin.

Nauna nang inihayag ni Escorial na binayaran ang kanilang grupo ng₱550,000 matapos nilang matapos nilang patayin si Lapid.

Pumayag na rin si Escorial na buksan ng mga awtoridad ang bank account nito upang malaman kung nagsasabi ito ng totoo.

Matatandaang napatay si Lapid matapos pagbabarilin sa labas ng gate ng BF Resort Village sa Las Piñas City nitong Oktubre 3 ng gabi.