Pinaplanong buwagin ni private prosecutor Atty. Lorna Kapunan ang Mataas na Kapulungan ng Kongreso sakaling manalo siyang senador sa halalan.
Sa pagsalang kasi ni Kapunan sa political talk show na “Politika All The Way” hosted by Jojo Alejar na umere noong Sabado, Agosto 8, naglabas ng frustration si Jojo sa mga politiko na panay ang sigaw ng pagbabago samantalang ang tagal na naman sa pwesto.
“From the Senate they go to Congress then go back to the Senate. Ta’s sasabihin nila there things need to be changed. Ang tagal mo na diyan,” saad ni Alejar.
Kaya ayon kay Kapunan, kung tatakbo raw siyang senador, talagang isasama niya sa kaniyang isusulong na plataporma ang pagbuwag sa Senado.
“If I get elected, I'll pass a law to abolish the Senate,” anang private prosecutor. “Because, for instance, Congress. You have particular constituencies. [....] Anong constituency ng Senate? The whole republic? Who are they representing? What for?”
“And then number two, legislation becomes so expensive. The House will pass a law. The Senate will pass a law. You have a super body from both the Senate and the House,” dugtong pa niya.
Kaya ang kongklusyon ni Kapunan—mula rito sa mga inilatag niyang dahilan—hindi na raw kinakailangan pa ang Senado pagdating sa pagbuo ng batas.
Kasalukuyang bahagi si Kapunan ng prosecution team sa gumugulong na impeachment trial sa Senado laban kay Vice President Sara Duterte.
Nagtapos siya ng AB Political Science noong 1973 at Bachelor of Laws noon namang 1978 sa Unibersidad ng Pilipinas, at nakapasok sa Philippine Bar noong 1979.
Basahin: KILALANIN: Sino si Atty. Lorna Kapunan ng prosecution panel?