Posible umanong dagsain ng hanggang 150,000 pasaherong uuwi sa kani-kanilang probinsya ang Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX) ngayong Undas.

Idinahilan ni PITX spokesperson Jason Salvador, ang pagbabalik-sigla ng pagbiyahe sa iba't ibang parte ng bansa, kabilang na sa Metro Manila, at ang pagbuti ng sitwasyon sa gitna ng pandemya ng coronavirus disease 2019 (Covid-19).

“Nakakaranas tayo ng masiglang pagbibiyahe ng ating mga kababayan, in the recent weeks or in the past 2 months, nakaka-average na tayo ng around 120,000 passengers per day. Ine-expect natin, in the coming months, lalo na simula ng Undas, bagong taon, tataas pa ito ng bahagya kasi alam natin na ito talaga yung season for travelling," banggit nito sa isang television interview nitong Lunes.

Aniya, inaasahan na rin nila na magkaroon ng mula 10 porsyento hanggang20 porsyentong pagtaas ng dadagsang pasahero o hanggang 150,000 na pasahero, lalo na sa Undas at sa Pasko.

Metro

Doktor, patay nang tikman umano ang inuming ipinadala ng pasyente

“Kung mapaplano natin ng maaga ang ating pagbiyahe, mas maganda para hindi tayo mahirapan pumila o maghanap pa ng tickets kasi may tendency kasi ang mga kapamilya natin na last minute talaga nagpaplano, kaya as much as possible, bumili na tayo ng maaga ng mga tickets natin. Pangalawa, let’s travel light, alam naman natin, marami tayong mga kasabay dito. Hangga’t kaya, iwasan natin yung mga malalaking bagahe lalo na sa bus,” aniya.

Nanawagan din ito sa mga biyahero na magsuot pa rin ng face mask laban sa Covid-19 habang nasa terminal o biyahe.