Isang buwan bago ang inaabangang first major solo concert sa New Frontier Theater, handang patunayan ng Kapamilya diva at “Your Face Sounds Familiar” champion na karapat-dapat siya sa tiwalang ibinigay ni “Unkabogable Star” Vice Ganda.

Nitong Linggo, Oktubre 16, si Klarisse ang latest featured artist sa Wish Bus.

Kinanta ng Kapamilya singer ang kaniyang 2017 hit na “Wala Na Talaga” sa panulat ni Rolando "Ronnie'" Azor.

Sa naturang performance, buong-pusong inawit ni Klarisse ang OPM hit ballad na parehong naramdaman at hinangaan ng fans.

Musika at Kanta

Andrew E, ibinuking ang sikreto kung bakit loyal sa kaniya ang buong Pilipinas

“Klarisse really deserves for the spotlight in music industry like solo concerts. Her voice really eargasm lalong lalo na sa kanta na'to, also ang ganda ng song na ito ever since,” komento ng isang fan

“Klarisse and Jona are two of the most underrated singers in the Philippines. Sobrang linis kumanta, versatile at hindi nananapaw. Sana mabigyan ng break.”

“Sarap sa feelings kahit di naman ako broken. Super galing , at ang linis. Congratulations in advanced sa concert mo IDOL.”

“Superb singing served by Klarisse! Can't wait to watch her perform live in her long overdue solo concert next month.”

“She has one of the clearest and cleanest voices in the Philippines music industry.”

“Very heartfelt song. Ang galing talaga ni klarisse!”

“Your voice is totally awesome and so clear. It’s truly beautiful and you sang your song beautifully.”

Nauna nang nagpasalamat si Klang sa producer ng kaniyang concert na si Kapamilya star Vice Ganda.

Basahin: Klarisse, nagpasalamat kay Vice Ganda sa pag-produce ng kaniyang first major concert – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Samantala, soldout na nitong Linggo, Oktubre 17, ang Loge section habang ilang seats na lang ang natitira sa Balcony at Orchestra section para sa “Her Time” concert ni Klarisse.

Sa darating na Nobyembre 18 gaganapin ang musical treat ng Kapamilya singer.

Mabibili ang “Her Time” concert tickets via TicketNet.