Patay ang anim na magkakamag-anak nang makulong sa nasusunog nilang bahay sa Barangay Pasong Tamo, Quezon City nitong Sabado ng madaling araw.

Sa report ng Quezon City Fire District, kabilang sa mga nasawi ang isang 79-anyos na lalaki, 37-anyos na lalaki, 30 taong gulang na babae, at tatlong anak na pawang menor de edad.

Naiulat na ang insidente ay naganap sa bahay ng mga nasawi sa Villa Corina Subdivision dakong 1:54 ng madaling araw.

Bigla na lang umanong sumiklab ang ibabang bahagi ng bahay ng nasabing pamilya at mabilis na kumalat ang apoy kaya hindi na nakalabas ang mga ito.

Metro

Mayor Lacuna: Payout sa 203K seniors, malapit nang matapos

Natagpuan ng mga bumbero ang bangkay ng anim matapos maapula ang sunog dakong 3:20 ng madaling araw.

Hindi pa matukoy ng mga imbestigador ang sanhi ng sunog.

Diann Ivy Calucin