Binalaan ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ang publiko na huwag na munang humango at kumain ng mga shellfish mula sa 11 na lugar sa Visayas at Mindanao dahil na rin sa red tide.
Sa abiso ng BFAR, ipinatutupad nila ang shellfish bansa sa Roxas City, Sapian Bay, Panay, President Roxas at Pilar sa Capiz; Dumanquillas Bay sa Zamboanga del Sur; Milagros, Masbate; Matarinao sa Eastern Samar; Dauis at Tagbilaran City sa Bohol; at Lianga Bay sa Surigao del Sur.
"All types of shellfish and Acetes sp. or alamang gathered from the areas are not safe for human consumption," sabi ni BFAR officer-in-charge Demosthenes Escoto.
Nilinaw ni Escoto, ligtas pa ring kainin ang isda, pusit, hipon at alimango kung sariwa ang mga ito at malinisan nang husto bago lutuin.
Posible umanong umabot pa ng ilang buwan bago tuluyang matanggal ang red tide toxin sa mga shellfish.