Muling nagbabala ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) sa posibleng pagsabog ng Mayon Volcano.
Ito ay dahil sa patuloy na pag-aalburoto ng bulkan kaya itinaas ang alert level status nito nitong Biyernes.
"DOST-Phivolcs is raising the Alert Level of Mayon Volcano from Alert Level 1 (abnormal) to Alert Level 2 (increasing unrest)," abiso ng ahensya nitong Oktubre 7.
Babala ng Phivolcs, ang nararanasang volcanic activity ay dulot ng magmatic process na maaaring magdulot ng phreatic eruptions o hazardous magmatic eruption.
Nitong Biyernes, nagsagawang aerial survey ang Phivolcs kung saan nakitaan ng pag-angat ng lava mula sa lava dome ng bulkan.
Kaugnay nito, binalaan ng ahensya ang publiko na huwag lumapit o pumasok sa 6-kilometer radius permanent danger zone ng bulkan dahil sa posibleng pagsabog nito.
Huling sumabog ang bulkan noong 2018 kung saan naranasan ng mga residente sa paligid ng bulkan ang pagragasa ng lava.