Delikado umano sa mga buntis ang mahawaan ng tigdas, ayon sa Pangasinan Health Office nitong Biyernes.

"Ang tigdas hangin ay may danger po ating mga buntis kaya po talagang pinag-iingat sila," babala ni Provincial Health officer, Dr. Anna Maria Teresa de Guzman, sa isang television interview.

Posible umanong makunan ang buntis na magkakaroon ng rubella o "tigdas hangin," at posible ring magka-birth defect ang isisilang na sanggol.

Dalawa aniya ngayon ang kaso ng tigdas sa lalawigan na kinabibilangan ng isang 28-anyos na nurse at isang 10 buwang gulang na sanggol.

Probinsya

Ash falls dulot ng bulkang Kanlaon, naranasan sa ilang bahagi ng Negros Occidental

"Ito'y nagbibigay-alarma sa atin dahil dapat po ay walang kaso ng tigdas sa panahon ngayon," lahad nito.

Nauna nang nagbabala ang Department of Health (DOH) na posibleng magkaroon ng outbreak ng measlesatrubella sa bansa sa susunod na taon.

Binanggit ang mababang bilang ng mga batang nakatatanggap ng "routine immunizations" o mga bakunang madalas ibinibigay sa mga sanggol bilang panlaban sa iba't ibang sakit, tulad ng tigdas.