Dalawang sundalo ang napatay at dalawa naman ang naiulat na nasugatan, kabilang ang isang 10-anyos na babae, matapos sa salakaying ng grupo ng mga rebelde ang tropa ng gobyerno sa isang liblib na lugar sa Jipapad, Eastern Samar nitong Biyernes ng madaling araw, ayon sa pahayag ng Philippine Army (PA).
Sinabi ni PA-8th Infantry Division spokesperson Capt. Ryan Layug, ang dalawang napatay ay sinaStaff Sergeant John Claire Flores, at Private First Class Edupancho Siscar,
Sugatan naman at isinugod sa ospital sinaSergeant Allan Talania, Private First Class Loumark Mengote, at isang batang babae.
Sa paunang report ng militar, ang insidente ay naganap sa liblib na Barangay Dorillo, dakong 1:30 ng madaling araw.
Ipinadala ang grupo ng mga sundalo sa lugar, na binubuo ng pitong miyembro, dahil sa banta ng mga rebelde, ayon sa militar.
“The brigade mobilized its available forces to reinforce the beleaguered team, extract the casualty and ran after the perpetrators,” ayon sa pa sa ulat ng militar.
PNA