Planong pausuhin ni Olympian EJ Obiena ang pole vaulting sa Pilipinas, bukod pa ang puntiryang maiuwi ang gintong medalya sa pagsabak nito sa Paris Olympics sa 2024.

Ito ang isinapubliko ng nasabing Pinoy pole vaulter matapos ilunsad ang pagiging brand ambassador ng Rebisco Biscuits nitong Martes.

Ipinahiwatig nito ang paglikha ng maraming grassroots program na makatutulong sa pagtuklas sa susunod na henerasyon ng mga atleta sa kanyang sport.

Gayunman, tumanggi si Obiena na magbigay ng impormasyon sa mga nakahanay na proyekto nito sa bansa.

National

VP Sara, nag-react sa impeachment complaints laban sa kaniya: ‘Finally, na-file na!’

“We were just talking and it is still quite confidential. But hopefully, we can push through with this. There are things that we and Rebisco probably wanna do. We’re pushing for that. Rebisco has been here helping the community, helping the Filipino people in every way that they can,” lahad ni Obiena sa isang television intervie

Nauna nang kumalat ang impormasyong planong dalhin ni Obiena sa Pilipinas sinaworld champion Armand Duplantis at No. 2 seed Christopher Nielsen.

“We would discuss nga withEJ theseprograms. This is a partnership. It’s not just take and take. EJ has a good vision for making pole vaulting known in the Philippines. We want to support our endorser, an inspiration to many,” pagtitiyak naman ni Rebisco marketing chief Andrei Soriano.

Nasa three-week vacation ngayon si Obiena sa bansa bago sumabak sa ensayo at kumpetisyon.

Kagagaling lamang ni Obiena sa panalo sa Brussels leg ng Diamond League nitong Setyembre 2 na tampopk sa anim na tagumpay nito sa walong kumpetisyonsa outdoor season.