August 08, 2026

Home BALITA National

Palasyo, nagpaalala sa publikong 'wag magpabayad sa DDS supporters!

Palasyo, nagpaalala sa publikong 'wag magpabayad sa DDS supporters!
Photo courtesy: RTVM

Mariing pinaalalahanan ng Malacañang ang taumbayan na huwag umanong tanggapin ang alok ng ilang mga kilalang Duterte Supporters kapalit ng pera upang magsulong ng destabilisasyon sa administrasyon. 

Sa naging pahayag ni Palace Press Officer at Presidential Communications Office (PCO) Usec. Claire Castro noong Biyernes, Agosto 7, 2026, sinabi niyang nakikita raw nila ang estilo ng mga Duterte supporters, partikular umano ng dating mambabatas na si Mike Defensor at iba pa, sa pagkuha nito ng mga tao upang gumawa raw ng mga kathang isip na kuwento laban kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr.

“Nakikita naman natin ang mga style ng mga Duterte supporters. Kung paano sila mag-hire ng mga tao na gumawa ng kathang-isip na kuwento kapalit ang malaking halaga laban sa Pangulo,” pagsisimula niya.  

Dagdag pa niya, “Marami ang nakakaramdam na parte ito ng plano nina Mike Defensor at ibang kasamahan niya para sa isang destabilisasyon.” 

Ani Castro, nagsasalita lang daw siya para sa Pangulo at hindi para manira ng ibang mga indibidwal. 

National

Ilang concern citizen, nagpadala ng donasyon pampiyansa ng ex-soldiers—Atty. Baligod

“Ako ay nagsasalita lamang para kay Pangulong Marcos Jr. Hindi para sa kuwento laban sa ibang tao,” aniya. 

Paalala niya, “Kaya sa mga kababayan natin, huwag magpabitag sa ganitong plano para lang sa pera. Dahil may mga taong inosente ang inyong sisirain 

Pagpapatuloy ni Castro, patuloy naman daw iniimbestigahan ng Office of the Ombudsman sa grupo ng “Maleta Boys,” kay dating House Speaker at Leyte 1st District Rep. Martin Romualdez, at iba. 

“Kung anoman ang mga naimbestigahan ng Office of the Ombudsman sa Maleta Boys patungkol kay dating Speaker Romualdez at iba pang naituturo pa, nasa kamay ng po ‘yan ng Office of the Ombudsman,” pagtatapos pa niya. 

Matatandaang naging mainit na usapin ang naging pagtiwalag ng apat na miyembro ng 18 ex-soldiers noong Agosto 6. 

Batay sa kanilang naging recant at isinumiteng affidavit, pinangakuan daw sila ng malaking halaga ng pera kapag naisakatuparan na ang naturang planong pangingikil sa ilang mga personalidad, kung saan inilaladlad din nila ang pangalan ng kanilang tumatayong abogado na si Atty. Levito “Levi” Baligod, Defensor, at Sen. Rodante Marcoleta.

KAUGNAY NA BALITA: 'Pinagsamantalahan sila!' Trillanes, inurong kaso sa 4 na tumiwalag sa 18 ex-soldiers

KAUGNAY NA BALITA: Atty. Baligod, 'naiintindihan' umano desisyong pagtiwalag ng 4 sa 18 ex-soldiers!