Bibigyan ng legal assistance ng dalawang abogadong mula saPublic Attorney's Office (PAO) ang mga single mother at kanilang anak.
Ito ay matapos italaga saDepartment of Social Welfare and Development central office ang dalawang abogadong sinaDioscoro Basanez at Jose Noel Hilario.
"Mayroon tayong dalawang lawyer na naka-detail na ngayon sa DSWD Central, Monday at Wednesday, at kinakausap at humaharap sa mga lumalapit sa DSWD at humihingi ng sustento sa tatay ng kanilang mga anak,” sabi ni PAO chief Persida Acosta sa isang Laging Handa briefing.
"Welcome po sa DSWD... Sila po ang pinadala ng PAO sa DSWD para sampahan ng kaso ang mga tatay ng bata na hindi nagbibigay ng sustento," bahagi naman ng Facebook post ni DSWD Secretary Erwin Tulfo.
"Sila rin ang tutulong sa DSWD para makuha ang mga anak na 7 years old pababa mula sa mga ama na ayaw ibigay ang kustodiya ng bata sa ina," anito.
“Ang suporta kasi, ayon sa Family Code, ay pagkain, pananamit, tirahan at pag-aaral hanggang kolehiyo. Tungkulin ng tatay 'yon. Kung hindi kaya ng tatay, ay walang magagawa ang nanay, kailangang magbanat ng buto,” sabi pa nito.
Kamakailan, pumirma ngmemorandum of agreement ang DSWD at PAO upang mabigyan ng proteksyon ang mga solo parent at kanilang anak.