Niyanig ng 5.1-magnitude na lindol ang Surigao del Norte nitong Lunes, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).
Sa abiso ng Phivolcs, dakong 4:07 ng hapon nang maitala ang pagyanig 29 kilometro sa hilagang silangan ng General Luna.
Binanggit ng ahensya na tectonic ang pinag-ugatan ng paglindol.
Nasa 15 kilometrong lalim din ang nilikha ng pagyanig.
Naramdaman din ang Intensity IV sa General Luna, Surigao Del Norte; at Intensity III sa Surigao City, Surigao Del Norte.
Bahagya ring naramdaman ang Intensity II sa Dapa, Surigao Del Norte; Hilongos at Baybay City, Leyte; at San Francisco, Southern Leyte.
Inabisuhan na rin ng Phivolcs ang mga residente na asahan ang ilang aftershocks ng pagyanig.