Puntirya ngayon ng pamahalaan na maipamahagi ang aabot sa 20 milyong electronic version ng national ID bago matapos ang 2022 sa gitna ng pagkaantala sa pagpapalabas ng physical ID, ayon sa pahayag ng Philippine Statistics Authority (PSA).

Sa pahayag niNational Statistician Undersecretary Dennis Mapa, ang naturang electronic version ng ID o "ePhilID" ay pandagdag sa puntiryang pagpapalabas ng 30 milyong ID cards bago sumapit ang 2023.

Paglilinaw ni Mapa, puwede ring mai-laminate ang mga ePhilID na maaari lang makuha sa mgaPhilSys registration center.

Sa datos ng PSA, nasa 1,000 na ang nakakuha ng ePhilID, kabilang na si Mapa.

National

Sen. Imee sa bangayang PBBM-VP Sara: ‘Ipagdasal natin sila!’

Kamakailan, sinimulan ang pamamahagi ng electronic version nito saNational Capital Region, Bulacan at Pampanga, ayon kay Mapa.

Idinagdag pa ng PSA, umabot na sa 70 milyong Pinoy ang nakarehistro na upang makakuha ng national ID, gayunman, maliit na porsyento pa lang nito ang nakatanggap ng ID card.