Simula sa Oktubre 1, babawasan ng mga kumpanya ng langis ang presyo ng kanilang liquefied petroleum gas (LPG).

Sa abiso ng Petron Corporation nitong Biyernes ng gabi, tatapyasan nila ng ₱2.55 ang presyo ng kada tangke ng LPG sa unang araw ng susunod na buwan.

Nangangahulugan na aabot sa ₱28.05 ang itatapyas sa presyo ng 11 kilos ng tangke ng LPG.

Aabot din sa ₱2.55 ang ipatutupad ng Phoenix Petroleum at Solane na bawas-presyo sa kada tangke ng LPG.

National

CHIZmis lang daw? Pagkalas sa liderato ni SP Chiz, itinanggi ng ilang senador

Idinahilan ng mga kumpanya ng langis ang paggalaw ng presyo ng LPG sa pandaigdigang merkado.

ReplyForward