Posibleng lumakas hanggang sa Signal No. 4 ang bagyong 'Karding' matapos itaas sa Signal No. 3 ang babala nito sa Camarines Norte at Polillo Islands nitong Sabado ng gabi.

Pagbibigay-diin ni weather specialist Raymond Ordinario, mangyayari ito kung hindi magbago ng direksyon ang bagyo.

Tinatahak na ng bagyo ang timog kanluran malapit sa silangan ng Baler, Aurora sa bilis na 20 kph, ayon sa PAGASA.

Ayon sa ahensya, taglay ng bagyo ang lakas ng hanging 120 kilometers per hour (kph) at bugsong hanggang 150 kph.

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar

Sa abiso ng PAGASA, apektado rin ng bagyo ang 40 pang probinsya.

Inaasahang hahagupit ang bagyo sa Aurora, Quezon sa Linggo ng hapon o kinagabihan.

Posible aniyang humina ang bagyo kapag sumalpok sa Sierra Madre mountain range at Zambales mountain range.

Sa pagtaya pa ang ahensya, posibleng lumabas ng Philippine area of responsibility ang bagyo sa Martes, Setyembre 27.