Isinara muna sa mga motorista ang 33.53 kilometrong Kennon Road sa Baguio City bilang pag-iingat sa posibleng paghagupit ng bagyong 'Karding' na nagbabanta na sa Isabela at Aurora.

Nillinaw ng Department of Public Works and Highways (DPWH)-Cordillera Administrative Region (CAR), bukas pa rin sa mga residente ang nasabing zigzag road.

“All motorists (non-residents) are advised to pass thru Marcos Highway, Baguio-Bauang Road (Naguilian Road), or Asin-Nangalisan-San Pascual Road,” abiso ng DPWH nitong Biyernes.

Katwiran ng ahensya, tinitiyak lang nila ang kaligtasan ng publiko o mga turistang bumibisita sa lungsod.

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar

Magbabantay din ang mga awtoridad sa nasabing kalsada upang matiyak na walang makalulusot na turista simula nitong Sabado, Setyembre 24.

Ibinatay ng DPWH ang kanilang hakbang sa abiso ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na posibleng bumayo ang bagyo sa Isabela o Aurora sa Linggo ng umaga.