Ipinaaaresto na ng Department of Budget and Management (DBM) sa Department of Interior and Local Government (DILG) at National Bureau of Investigation (NBI) ang mga scammer na sinasabing nagso-solicit sa mga local government unit (LGU), gamit ang ahensya kapalit umano ng mabilisang pagpapalabas ng pondo para sa kanilang proyekto.

Binigyang-diin ni DBM Secretary Amenah Pangandaman, nagpapakilala umanong mga kawani ng DBM ang mga ito upang makahingi ng pera sa mga opisyal ng local government.

Aniya, dapat nang madakip ang mga ito upang hindi na makapambiktima ng mga opisyal ng LGU.

"Muli po kaming nananawagan sa ating mga kababayan na makipag-transact lamang po sa official channels ng DBM. Rest assured that the DBM will exert all efforts and employ the fullest extent of the law to identify, apprehend, and file charges against these deceitful individuals," ayon pa kay Pangandaman.

PRO3, nilinaw pagkaaresto sa mga Aeta sa Mt. Pinatubo