Posibleng maging super typhoon ang namataang bagyo sa labas ng Pilipinas habang pumapasok sa Philippine area of responsibility (PAR) nitong Biyernes ng hapon.

Sa abiso ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), tinutumbok na ng bagyong may international name na 'Nanmadol' ang bansa at maaaring umabot sa super typhoon category sa susunod na 24 oras.

Huling namataan ang sentro ng bagyo 1,465 kilometro silangan-hilagang silangan ng dulong northern Luzon at taglay nito ang hanging 165 kilometer per hour (kph) at bugso na 205 kph.

"Further intensification is forecast to occur throughout the forecast period. Nanmadol may reach (the) super typhoon category within 24 hours," ayon sa abiso ng PAGASA.

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar

Paglilinaw ng PAGASA, posibleng ang naturang bagyo ang ikalawang super typhoon na pumasok sa bansa.

Kapag nakapasok na sa bansa, tatawagin itong 'Josie' at inaasahang lalabas din sa Pilipinas sa Biyernes ng gabi o sa Sabado ng madaling araw.

Kaugnay nito, makararanas naman ng pag-ulan sa western section n ng Southern Luzon at Visayas dulot ng southwest monsoon o habagat sa susunod na 24 oras.

ReplyForward