Tumaas pa ang kaso ng dengue sa Central Visayas, ayon sa pahayag ng Department of Health (DOH) nitong Huwebes.

Sa datos ng DOH-Region 7, nasa 13,263 na ang bilang ng tinamaan ng sakit sa rehiyon mula Enero hanggang ikalawang linggo ng Setyembre.

Binanggit ng ahensya na lumobo ang kaso matapos makapagtala ng 1,000 bagong sakit mula Agosto 20 ng taon.

Naitala pa rin ang pinakamaraming kaso sa Cebu (5,291), bukod pa ang 32 na nasawi, at Cebu City (2,373) at 25 na binawian ng buhay.

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar

Umabot na sa 1,960 kaso ang naitalasa Bohol habang ang Negros Oriental ay mayroong 1,484 na tinamaan at anim na binawian ng buhay.

Nakitaan din ng 1,340 na kaso sa Lapu-Lapu City at 708 naman sa Mandaue.

Sa Siquijor, nasa 107 kaso naman ang naitala at walang naiulat na nasawing pasyente.

Panawagan naman ng DOH sa publiko, maging malinis ang kapaligiran upang hindi na lumaganap ng sakit.