Pinatutsdahan ni "Hashtag" member Nikko Navitidad ang aniya’y madalas na hirit ng bashers sa social media.

Sa isang Instagram post, ibinahagi ng aktor ang linyang, “Sino ba yan? Ni hindi nga kilala ‘yan!”

Ito aniya ang paboritong banat ng bashers sa mga artista kagaya niya.

“Pero naka follow 😅 Pag hinampas kita sa batok ng tuta kong walang tenga makakakilala kana,” dagdag na supalpal ng aktor.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Napakomento rin sa IG post ni Nikko ang kaibigan at kapwa “Hashtag” member na si Wilbert Ross.

“Meron pa isa: BOBO,” anang aktor.

Samantala, nananatiling wala pang kumpirmasyon sa panig ng aktor ang bali-balita ukol sa umano’y paglipat na nito sa Kapuso Network matapos makilala sa ABS-CBN sa loob ng halos walong taon.

Basahin: ‘Hashtag’ Nikko Natividad, mag-oober da bakod na rin sa Kapuso Network? – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid