Niyanig ng 4.7-magnitude na lindol ang ilang bahagi ng Surigao del Norte nitong Sabado.

Sa pahayag ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), dakong 7:12 ng umaga nang maramdaman ang sentro ng pagyanig 12 kilometro ng hilagang kanluran ng Burgos.

Sinabi ng Phivolcs, lumikha rin ng 28 kilometrong lalim ang pagyanig.

Naitala rin ang Intensity 2 sa Surigao City.

Probinsya

9-anyos na bata, patay matapos makuryente ng tinatayang 20 minuto

Walang inaasahang aftershocks o pinsala ng lindol na dulot ng tectonic.

Matatandaang niyanig din ng 5.0-magnitude na lindol ang naturang lalawigan, partikular na sa Socorro, nitong nakaraang Agosto 17.