Matapos mapatay ng militar ang kanyang lider sa Abu Sayyaf Group (ASG) noong 2020, nagpasya nang sumurender sa mga awtoridad ang isa sa miyembro ng grupo sa Basilan nitong Miyerkules.

Sa pahayag ni Area Police Command-Western Mindanao Operations chief, Col. Richard Verceles, isinuko rin ni Muwadz Amalul, 23, ang kanyang Garand rifle.

Si Amalul ay sumurender sa mga sundalo sa Tipo-tipo town hall sa Barangay Tipo-tipo proper nitong Setyembre 7.

Sa report ng militar, kasama si Amalul sa remnants ng grupo ng napatay na si Abu Sayyaf leader Furuji Indama. Si Indama ay napatay ng militar sa R.T. Lim, Zamboanga Sibugay noong Oktubre 2020.

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar

Paliwanag naman ni 18th Infantry Battalion (IB) commander, Lt. Col. Cyril Santander, nagdesisyon sumuko ng naturang bandido nang mawalan ng pag-asa kasunod ng pagkamatay ni Indama.

Nangangamba na rin aniya si Amalul sa kanyang buhay pagkatapos ng kanyang pagsuko.

PNA