Kamakailan lamang ay naitampok sa award-winning magazine show na "Kapuso Mo Jessica Soho" si Junrey Baug, ang tinaguriang "Jericho Rosales ng Moncayo, Davao De Oro" na unti-unti nang sumikat dahil sa malaking pagkakahawig sa nabanggit na matinee idol.

Ngayon naman, kumakalat sa social media ang umano'y kamukha ng mismong news anchor na si Jessica Soho, na hindi naman natukoy ang pagkakakilanlan. Ang isa ay naitampok pa ng sikat na social media page na "Senyora".

"Sagot ko na DNA test. We love you Mareng Jessica, kami na ang bahala. Dami mo na kambal na natulungan sa KMJS. Kami naman ang babawi sa'yo," kuwelang caption ni Senyora kalakip ang litrato ng umano'y kamukha niya.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

Sa comment section, isa pang kahawig ni Ma'am Jessica ang ibinahagi niya; sa pagkakataong ito ay naka-face mask naman ito. Batay sa litrato, mukhang nasa bingohan ang naturang babae.

"Diumano’y namumuro na sa O," pabirong hirit ni Senyora.

Pero hindi ito ang unang beses na namataan ang "kakambal" ng award-winning journalist. Sa kaniyang KMJS, nakaharap niya mismo ang kahawig niyang isang Koreana, noong 2021. Ito ay si Korean vocal coach "Jo A Young" mula sa idol survival show na "Girls Planet 999."