Dahil sa biglaang pag-alis ng beteranong coach na si Yeng Guiao sa NLEX Road Warriors, kaagad na kumalat ang balitangposibleng bumalik ito sa Rain or Shine na dinala niya sa kampeonato ilang taon na ang nakararaan.

“Hindi ko naman istilo 'yung parang ipinipilit ko 'yung sarili ko sa isang team. It was only yesterday when we finalized our agreement to part ways, so I think the next 24 or 48 hours will give me time to figure out what my next moves are,” paglilinaw ni Guiao nang kapanayamin sa telebisyon.

“I’m willing to test the market if there will be offers elsewhere, kung wala naman, then OK lang," pagpapatuloy ni Guiao.

Anim na taong minanduhan ni Guiao ang Road Warriors na madalas umabot sa playoff kung saan ang ilang manlalaro nito na katulad nina Kiefer Ravena, Kevin Alas, Calvin Oftana at Poy Erram ay napapabilang sa Gilas Pilipinas squad.

Filipino Olympian Hergie Bacyadan wagi kontra Chinese kickboxer; sinungkit gintong medalya

Matatandaang2016 nang kunin si Guiao bilang general manager at head coach ngn NLEX ilang buwan ang nakararaan nang ipanalo nito sa kampeonato ang Rain or Shine noong 2016 Commissioner's Cup.

Nilinaw ni Guiao na wala siyang nakakausap na kahit sino sa Rain or Shine, gayunman, nagpapasalamat pa rin ito sa koponan dahil sa patuloy na pagtitiwala sa kanya kahit nakalipat na siya dati sa NLEX.

Matatandaangkahit hinahawakan na ni Guiao ang NLEX, nagpupursigi pa rin ang Elasto Painters na kunin ito bilang head coach ng Philippine team noong 2018 Asian Games.

Nauna nang inihayag ng isa sa team owner ng Rain or Shine na si Raymond Yu na handa siyang makipag-usap kay Guiao pag-uwi nito sa Pilipinas mula sa ibang bansa.